Love Entries: Mood: Sad


Mahal mo ba ako? Bakit parang hindi?Tingnan mong mabuti ha, para malaman mo...

1) Pag sa ibang usapan ang aga mong dumating, bakit pag date natin, isang oras mo ako pinaghihintay?

2) Pag may ibang nagtext sa’yo, ang bilis mong magreply, pag ako nagtext, sinasabi mo lagi “senxa na kung di agad ako nakareply, may ginagawa lang ako kanina.”

3) Pag may nag-invite sayo na kaibigan mo para pumunta sa kanila ang bilis mo magconfirm, samantalang ako pag iniinvite kita sa amin, laging sinasabi mo “wait lang beh, check ko lang sked ko”

4) Pag may hinihiling na gift sayo kabarkada mo, sinasabi mo, “Cge lang pare, pili ka lang dyan, sagot ko yan” pero kapag ako na, “oops, mejo mahal yata dyan, dun tayo sa kabila, maraming discount dun.”

5) Pag sa mga kabarkada mo, kapag kasabay mo sa jeep, madalas mo sinasabi, “pare dito na yung bayad mo” pero kapag sa akin, “uy, pautang muna ako beh, wala ako barya, kaw muna magbayad”

May masasabi ka pa ba? Sana maintindihan mo bakit laging mainit ang ulo ko. Pero sa totoo, mahal pa rin kita kahit ginagawa mong lahat ng ikinaiinit ng ulo ko.

No comments:

Post a Comment